Tomas O’Grady for Council District 4 in Los Angeles

Sa ating mga Pinoy at Pinay sa Los Angeles, kung kayo ay nasa Council District 4 (CD4), huwag kalimutang iboto si TOMAS O’GRADY sa ika-3 ng Marso.

Kung hindi sigurado sa kung aling distrito kayo naka-rehistro, subukan tingnan dito kung saan may mapa ng lungsod: http://tomasogrady.com/vote-3

Si Tomás O’Grady ay imigranteng nagmula sa Irlandes. Siya ay Katoliko at may apat na anak. Hindi siya pulitiko. Sa halip, siya ay nangangasiwa ng isang non-profit na tumutulong umayos sa mga paaralan. Ang pangalan ng organisasyong iyon ay Enrich LA.

Panahon na para magkaroon ng pagbabago sa City Council. Matagal nang umiiral ang katiwalian at puro mga pulitiko ang nagkakasabwatan sa pagnakaw ng mga pondo na dapat ay ginagamit para sa mga mamamayan. May mga kandidato rin na kung saan nanggaling at bigla na lang sumulpot para tumakbo sa eleksiyong ito. (Tingnan yaong may pangalang David at isnabin siya!)

Si Tomás O’Grady ay nakatira sa distrito at naniniwala kami na siya ang nararapat na kumatawan sa interes nating madla. Iboto siya sa ika-3 ng Marso. Vote for Tomás O’Grady.

http://tomasogrady.com